“Kung san mo
gusto, dun ka.” Lagi ko nang naririnig yan, lalo na sa commercial ng coffeemate
ba yun? =)) Minsan nakakainis na nga pakinggan yang linyang yan ee. Bakit? Kung
san mo nga ba gusto, andun ka? Minsan, hindi naman di ba? Gusto mong mag doctor,
pero dahil sa hirap ng buhay, bumagsak ka sa pagiging isang tambay. Gusto mong
mag archery, pero dahil sa sobrang mahal at dami nang kailangan bilin -____-
bumagsak ka sa volleyball. Gusto mong maging kayo, pero dahil di ka niya gusto…Single
ka ngayon =)). Wag kayong in denial, nakaranas na kayo ng gantong peg di ba?
Lagi ko ring naririnig ang linyang, “Di lahat ng gusto mo pwede mong makuha”,
Actually lagi ko yan sinasabi kay David (Pamangkin ko). So ano na yung sense
nung “Kung san mo gusto dun ka” statement? Alam niyo, kaya ako nagbblog kasi
gusto ko kayong maliwanagan sa buhay ngayon. Ang mundo ay hindi isang figment
of imagination, totoo na to Sir. Lahat ng gagawin natin ay magrereflect sa
tunay na buhay. So ayun nga, kung babasihan kasi… Hindi talaga lahat ng gusto
natin, makukuha natin. Eh kung lahat na ng hinihiling mo sa buhay ay nasayo na,
wala nang worth para mabuhay ka pa dito =)) Wala nang thrill ee. Di ka na
magsstrive para makuha yun. Yung kung baga, kuntento ka na masyado. Not all the
gadgets and things visible around you are enough, there are many better things
than that. Aaminin ko na naging spoiled ako sa mga magulang ko, pero habang
lumilipas na ang mga araw, natututunan ko rin kung pano maglimit sa lahat ng
gusto kong makuha. Ayoko kasi sinasabihan akong spoiled #fact =)). Ewan ko kung
bakit, pero kasi lagi kong iniisip na may mas masahol pa sakin ee. Yung tipong
sobrang asakanya na lahat. Nakaka BV lang. Di ba? I just wanna tell you guys na
ang isa sa pinakaimportante nating matutunan sa buhay ay yung mag adjust.
Kailangan natin to kasi di tayo makakasurvive sa isang lugar o sa isang
sitwasyon pag nasanay na tayo sa isang bagay lamang. Kunwari, talagang gusto
mong mag aral sa ibang bansa, pero di talaga kaya nung budget niyo. Kaya dapat
kailangan mong matutunan mag adjust dun sa final decision niyo. Kailangan mong
matutunan TANGGAPIN yung mga naging final say ng mga magulang mo. Pero para sa
iba na gusto talagang mag try sa isang bagay, tulad nalang sa pag apply sa
isang college o kaya pag try ng isang sport, just go for it. Try lang naman ee.
Walang mawawala sayo, Dre. Kung kakailanganin bang tumakas lang para maka apply
ka sa isang university, eh di go =)) Pero syempre mas maganda pag may kasabay
kang kaibigan para di ka magmukhang tanga dun. =)) At isa pa, gusto ko ring
matutunan ng marami satin kung kelan tayo dapat magstrive makuha ang isang bagay.
Tulad ng sinabi kong halimbawa kanina. Kung kailangan mo talagang tumakas para
lang maka apply, eh di go. Kasi baka sa simpleng “try” mo na yan, makukuha mo
yang gusto mo. Balance lang kasi yan, Bro ee. Just know when to strive to get
what you want, and when to accept the final decision that was made J Kudos Guys :*
To my beautiful
and handsome readers =),
I might not post articles for the
next couple of days kasi super dami ko nang ginagawa -___-. Review, Babysitting
David -__- =)), planning for next year, contact-ing people, application forms in
diff colleges -___-, etc. Just wait for my post at Twitter or at Facebook for
new articles. Have fun this summer. Inggitin niyo nalang ako sa mga photos niyo
=)) haha. Love you guys! :*
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento