Martes, Abril 3, 2012

Kukunin ko ba report card ko bukas?


Ma, next week pa yung kuhaan ng cards.” Yan yung isa sa ginagamit niyong linya para lang maiwasan makuha ang cards niyo. Sabi ng iba na ang cards out daw ay isang “tremendous nightmare” kasi pag may bagsak ka, di ka na papayagan maglakwatsa at mas mabigat pa dun…. Magsusummer ka -____- Bummer nga kung iisipin yun. Summer na summer pero magaaral ka naman. Nakakainis nga minsan pag may naplano na kayong magkakabarkada na lakad at mga overnight pero nung nakita yung mga cards, BOOOM! Kanselado lahat. Pero tulad sa lahat ng articles ko, laging may downside at goodside naman =). Ang goodside pag makikita mo yung card mo is, malalaman mo kung saan ka nasosobrahan ng tulog sa isang subject =)) Kaya alam mo kung saan ka babawi. Malalaman mo rin kung saan mo dapat galingan at kung san ka dapat magpapasa ng magandang requirement. Oo, di tayong perpektong tao. Kaya minsan may napapasa tayong mga project na halatang last minute lang ginawa. Isa pang goodside pag kinuha mo yung card mo is magugulat ka nalang may line of 9 ka bigla sa subject na di mo binigyan importansya sa buhay =)) Admit it, minsan may mga naeencounter tayong ganun. Sa mga ayaw kunin yung card bukas, isipin niyo nalang na forever niyong di malalaman yung naging stand niyo sa klase for the year pag di niyo kinuha. Pero sa mga talagang wala naman pakielam sa grades at kung ano man yung nasa loob ng card, ayos lang yan. Atleast chill chill lang =)) But always put in mind na ang mga numero sa report card na yan ay hindi sukatan ng isang studyante. Parang sinasabi mo lang na Age is just a number or something =)) Basta ayun nga, wag magpakadown. Meron pang maraming oras para baguhin lahat ng grades na yan J Goodluck schoolmates for tomorrow =))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento