"Isang responsibilidad ang pride." - sabi ko =))
“pucha naman magkaaway na naman kami.”, “Siya kasi may
kasalanan ee. Siya dapat yung mag sorry”, “Bahala siya, hindi ko siya
kakausapin hangga’t di siya lalapit”, Ang mga linyang to ay nasasabi natin
dulot ng isang salitang nagsisira sa relasyon nating magkakaibigan at
magkaka-ibigan… Ang PRIDE. Ano nga ba ang Pride? Ito yung feeling mo na ikaw
yung tama sa isang away kaya F na F mo na dapat hindi ka magsorry. Ito rin ay
isang malaking issue lalo na pagdating sa buhay pag-ibig. Sa byahe ko bilang
studyante sa eskwelahan ko, lagi kong pinipigilan ang sarili kong taasan ang
pride ko. Dahil kung hindi, panigurado wala sakin ang gold medal sa deportment
=)) YEAHMEHN! So anyway, ang pagpigil ng pride ay may maganda at masamang
dulot. Ang magandang dulot nito ay, matatapos na yung away at wala naring
problema. Iisipin narin ng tao sayo na ang bait mo kasi ikaw pa yun may kusang
magsorry. Ang downside lang nito, Yang kaaway mo iisipin niya na siya pa yung
tama. Leche yan -___- Feeling niya chix siya? Wala naman rin mapakitaan ng
magandang loob. Lahat naman kasi tayo may limit ang pasensya, kung mahaba ang
pasensya mo sa kaibigan (tulad ko -____-), Congratulations! Pero pag hindi,
Congratulations din, atleast kaya mong magalit at hindi mo matatago yung sama
ng loob. Gusto ko lang magbigay ng mensahe sa mga taong ma-pride masyado. Alam
niyo sa panahon ngayon, mahirap nang makipagaway. Parang hunger games na kasi
ang peg sa panahon ngayon. Minsan, wala nang tutulong sayo kundi sarili mo
lang. Kung ayaw niyong mawalan ng kaibigan, pwede ba, uso magbaba ng pride.
PEOPLE MUST KNOW WHEN TO PUT UP THEIR PRIDE
AND WHEN TO LOWER IT DOWN. Hindi kasi laging ikaw yung tama. Actually hindi ako
nagpaparinig, gusto ko lang kayo magising sa katotohanan =)). Alam ko naman na
mahirap matalo sa away. Pero yan na ang realidad ng buhay. Di tayo pwedeng
gumamit ng eraser para burahin lahat ng pagkakamali nating nagawa. “Eh ayoko
nga, bababa dignidad ko ee” Eh gaga ka ba? Mas gugustuhin mo pang mawalan ng
friendship =))) May mga eksena pa nga na siya na yung mali, ikaw pa yung
magsosorry. Nakakainis lang isipin yung ganun -____- Pero kasi dahil ayaw mong
magrisk ng kahit ano, you’ll just do what’s best to end the war. Lagi kong
sinasabi sa mga kaibigan ko na SOMETIMES PRIDE IS GOOD TO TELL SOMEONE THAT
HE/SHE DID THE WRONG THING. IT’S BAD IF YOU’RE TAKING IT AS AN ADVANTAGE. I
know na mahirap tanggapin na ikaw yung nagkamali, pero mas mahirap pa sa part
nung isa na siya na yung magsosorry kahit di siya yung mali. Minsan sa part ng
buhay natin, di natin napapansin na tumataas na yung pride natin, pero may
responsibilidad kang alamin kung kelan mo na dapat ito ibaba. Kudos Guys! Love
you!
Show some love! <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento