Linggo, Hulyo 1, 2012

Hanggang saan ang makakaya mo para lang sa dream school mo?// My Ateneo Adventure


Hanggang saan ang makakaya mo para lang makamit mo ang isang bagay na matagal mo nang hinihiling o matagal mo nang gusto? Nung Saturday, June 30, Pumunta ako ng Ateneo. Tulad ng isang normal na graduating student, meron rin akong list ng gustong mapasukan sa college. Una, UP Diliman; Pangalawa, Ateneo; Pangatlo, UST. Pero meron kasi sa ADMU na talagang hinahanap hanap ko at di ko alam kung ano yun =)). Ang article na ito ay hindi tungkol sa pagmamahal ko sa Ateno, kundi ito ay tungkol kung pano ako nawala at nahirapan pumunta sa pinapangarap kong University.

Nung Saturday sobrang naexcite ako. Umalis ako sa bahay ng maaga at dumiretso sa LRT.
1) Dahil sa katangahan at excitement ko, nabili ko ang Santolan na ticket kesa yung Katipunan ticket. Pero ayos lang yun kasi first time lang naman ee.


2) Nung dumating ako sa Katipunan station nagkamali pa ko ng labas. Kesa North exit ang kunin ko, sa South exit ako lumabas =))). Nagtanong pa ko sa mga guard kung saan ang sakayan ng Tricycle papuntang ADMU. Pero ayos lang yun, alang alang naman yun sa future ko ee -____-. Tumawag kaibigan ko na nasa school na nagiinggit sakin dahil kasama niya ang crush naming ni Amping =))) Nataranta tuloy ako at nagmadali na.


3) Pero nung dumating ako sa terminal ng tricycle, ang haba haba ng pila. Pero ayos lang yun, ganun talaga ee.


4) Nang sumakay ako sa tricycle, itong si kuya sa mali pa kong building binaba =))). Natawa nalang ako at nilakad ko nalang. 


5) Nakaabot narin ako sa Admission office sinabi nila na bayaran ko daw sa cashier, pumunta ako sa cashier at sa gulat ko ang haba ng pila -___-. Nainis na ko. Kasi naman ang malas malas ko naman nung araw na yun tas nagmamadali pa ko kasi may hinahabol pa ko sa school. Nang matapos kong mabayaran yung fee, nakuha ko na yung form. Syempre ang saya saya ng feeling ko kasi hawak ko na yung form ng dream school ko.



6) Nang makasakay na ko ng tricycle papuntang LRT, may biglang nasirang part ng tricycle ni Kuya sa gitna ng kalsada. Grabe yung feeling ko nun, parang nasa isang pelikula na nagmamadali ka na nga, maraming pang umiepal na pangyayare =)). Pero ganun talaga, go with the flow lang.


7)  Nang makarating ako sa LRT, nakasakay narin ako ng tricycle papuntang school, itong  si mamang driver ang haba haba pa ng ruta niya. Sa loob loob ko napikon na ko pero syempre di na ko nagpahalata =)) Dumating na ko ng school at happy na ko =)))))



Moral lesson of the story?
In every problem there will always be a silver lining. =) Mas mabilis kasi ang silver lining ko kesa sa bad karma. I won’t be telling you guys what was my silver lining that day pero it was good. Basta, if you wish for something real bad then go for it =). Always think that in every problem may dadating rin na maganda after. It may not come immediately but rest assured that it would come. For the seniors who dream for one school or what so ever, always smile after all the hardships you’re encountering right now. It would pay off soon, isang taon nalang ;) Love you guys. Hope this inspired you >:D<