Hanggang saan ang makakaya
mo para lang makamit mo ang isang bagay na matagal mo nang hinihiling o matagal
mo nang gusto? Nung Saturday, June 30, Pumunta ako ng Ateneo. Tulad ng isang
normal na graduating student, meron rin akong list ng gustong mapasukan sa college.
Una, UP Diliman; Pangalawa, Ateneo; Pangatlo, UST. Pero meron kasi sa ADMU na
talagang hinahanap hanap ko at di ko alam kung ano yun =)). Ang article na ito
ay hindi tungkol sa pagmamahal ko sa Ateno, kundi ito ay tungkol kung pano ako
nawala at nahirapan pumunta sa pinapangarap kong University.
Nung Saturday sobrang
naexcite ako. Umalis ako sa bahay ng maaga at dumiretso sa LRT.
1) Dahil sa
katangahan at excitement ko, nabili ko ang Santolan na ticket kesa yung
Katipunan ticket. Pero ayos lang yun kasi first time lang naman ee.
2) Nung
dumating ako sa Katipunan station nagkamali pa ko ng labas. Kesa North exit ang
kunin ko, sa South exit ako lumabas =))). Nagtanong pa ko sa mga guard kung
saan ang sakayan ng Tricycle papuntang ADMU. Pero ayos lang yun, alang alang
naman yun sa future ko ee -____-. Tumawag kaibigan ko na nasa school na
nagiinggit sakin dahil kasama niya ang crush naming ni Amping =))) Nataranta
tuloy ako at nagmadali na.
3) Pero nung dumating ako sa terminal ng tricycle, ang
haba haba ng pila. Pero ayos lang yun, ganun talaga ee.
4) Nang sumakay ako sa
tricycle, itong si kuya sa mali pa kong building binaba =))). Natawa nalang ako
at nilakad ko nalang.
5) Nakaabot narin ako sa Admission office sinabi nila na
bayaran ko daw sa cashier, pumunta ako sa cashier at sa gulat ko ang haba ng
pila -___-. Nainis na ko. Kasi naman ang malas malas ko naman nung araw na yun
tas nagmamadali pa ko kasi may hinahabol pa ko sa school. Nang matapos kong
mabayaran yung fee, nakuha ko na yung form. Syempre ang saya saya ng feeling ko
kasi hawak ko na yung form ng dream school ko.
6) Nang makasakay na ko ng tricycle
papuntang LRT, may biglang nasirang part ng tricycle ni Kuya sa gitna ng
kalsada. Grabe yung feeling ko nun, parang nasa isang pelikula na nagmamadali ka
na nga, maraming pang umiepal na pangyayare =)). Pero ganun talaga, go with the
flow lang.
7) Nang makarating ako sa LRT, nakasakay narin ako ng tricycle papuntang
school, itong si mamang driver ang haba
haba pa ng ruta niya. Sa loob loob ko napikon na ko pero syempre di na ko
nagpahalata =)) Dumating na ko ng school at happy na ko =)))))
Moral lesson of the story?
In every problem there will
always be a silver lining. =) Mas mabilis kasi ang silver lining ko kesa sa bad
karma. I won’t be telling you guys what was my silver lining that day pero it
was good. Basta, if you wish for something real bad then go for it =). Always
think that in every problem may dadating rin na maganda after. It may not come immediately
but rest assured that it would come. For the seniors who dream for one school
or what so ever, always smile after all the hardships you’re encountering right
now. It would pay off soon, isang taon nalang ;) Love you guys. Hope this
inspired you >:D<