Lunes, Abril 2, 2012

Isang payo galing sa isang normal na studyante


Sa loob ng isang taon, nauubos natin ang sampung buwan sa 4 na sulok ng ating paaralan. 40 weeks, or 280 days, or 6,720 hours, or 403,200 minutes, or kung sobrang hardcore at mathwiz ka na 24,192,000 seconds to be exact. Bilang studyante, syempre hindi mawawala ang mga sumusunod:

1)   Nag-aalarm ng 4:30a.m. Pero pipindutin ang snooze hanggang abutin ka na ng 6:00 kaya magdudulot ito ng cramming at mas mabigat, malelate ka
2)   Pagkaupo mo palang sa upuan mo, gagawa ka agad ng mga assignment na di mo natapos sa bahay.
3)   Minsan, pumapasok ka ng school na walang tulog. Tas sabay bubungangaan ka ng teacher mo dahil DAW sa katamaran niyo.
4)   Ang walang sawang “Team work” pagdating sa mga homework.
5)   Ang di maiiwasang pagrereklamo ng mga kaklase mo dahil sa mga binabayaran.
6)   Pumapasok ng school na di lumalamon ng agahan.
7)   Yung pagiisip ng dahilan para lang makapag-absent ka.
8)   Yung pasimpleng silip sa crush mo tuwing recess at lunch.

At marami pang iba. Ang buhay ng isang normal na studyante ngayon,  ay simple na medyo magulo. Syempre, di lang naman kasi yung eskwelahan  yung inaatupag mo magdamag. May iba, namomroblema sa pamilya na minsan napipilitan pang magabsent para lang mabawasan ang gastos sa bahay, yung  iba naman nagkaproblema sa lovelife na di na makausap ng maayos sa sobrang pagkadepress, yung iba namomroblema kasi walang pangregalo para sa monthsary nila ng significant other niya. Sabi ng mga matatanda ang mga studyante daw ngayon, mga tamad at wala nang mga pangarap sa buhay. Sabihin nating nauso na ang internet, iPod, iPad, calculator, cellphone, etc. pero sabi daw sa pagaaral na mas marami nang ginagawa ang mga studyante ngayon kesa noon. Jusko naman, naabutan ba nila ang walang sawang PERFORMANCE TASK NA YAN? Hindi di ba? Eh kahit naman ano pang ipagdadadakdak ko dito at kahit scientific pa masyado ang explanation ko, di ko kayang ibahin ang iniisip ng mga matatanda satin. Di magandang debatihan ang mga bagay na di naman dapat nang pag-usapan. Agree? So ayun na nga, Masaya maging studyante, Private man o public. May iba’t ibang storya kasi tayo ng kasiyahan, kalungkutan, tawanan, at iyakan. Pero kalimitan lang sa atin ngayon ang nakakaintdi ng tunay na layunin ng paaralan satin; lalo na ang munti nating mga magulang. Sinwerte ako kasi kapatid ko graduate ng U.P kaya lahat ng words of wisdom niya tumatatak sa utak ko. Sinabe niya sakin na walang kwenta ang mga academics kung wala ka naming SKILLS na natutunan. Ang pinakaimportanteng matutunan mo sa eskwelahan ay yung mga pag-manage ng oras, kung pano makitungo sa iba’t ibang tao, kung pano ka kabilis magsolve ng isang last minute na probema. Aaminin ko na di ako masyadong matalinong studyante dahil hindi ako nakapasok sa honors list, pero mas masaya pa ako sa mga nakapasok kasi alam ko sa sarili ko na marunong akong dumiskarte. Hindi sukatan ng pagkatao ang pagmemorize ng periodic table, o kaya i-memorize ang lahat ng bansa sa Asia at yung mga capital nito. Ang tunay na sukatan ng pagkatao ay kung pano ka makitungo sa iba at kung pano ka magtrabaho. Dahil ito ang iyong gagamitin pagkukuha ka nan g trabaho. Para sa mga studyante diyan na nagkaron ng bagsak sa highschool, wag niyo damdamin masyado. Prove others wrong pagdating sa college. Di pa katapusan ng mundo. Marami pang oras para ibaliktad lahat ng mga pagkakamali. Kaya chill ka lang, Bro.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento