Kasama mo
crush mo, masayang magkasama, yung tipong kayo na. Ganun yung peg niyo nung
araw na yun. Tas biglang out of nowhere bigla kang may maririnig na “huy,
gising. Gising! May pasok ka pa.” Pagkadilat mo, narealize mo na IT WAS ONLY
JUST A DREAM =)). Minsan nakakagago pag nangyayare yun. Yung mas gugustuhin mo
pang matulog buong araw para lang matuloy yung “dream date” niyong dalawa.
Pero, sadyang hanggang panaginip nalang ba siya? Di ba pwedeng in real life
nalang? Ganito na ba tayong mga torpe? Yung hinahayaan nalang natin na hanggang
panaginip nalang sila? Naiintindihan ko naman kasi yung ganyan. Sadyang wala
lang tayong lakas ng loob para gawin yung mga simple bagay na ginagawa nating
magulo. Oh baka sadyang pachix lang tayo? Hay L. Pero, sa totoo lang. Hindi kasi magandang
hayaan yan. HINDI TAMA ANG HINDI MAG EFFORT sa gusto nating makuha. Lakas ng
loob lang kasi yan, Sir. Pag wala ka nun, lagi kang talo. Papayag ka bang
maging talunan? Hindi, di ba? Sabi nga ng teacher ko, “Strive for excellence,
maging masipag para makuha yung mga goals mo sa buhay” Eh kung goal mo “siya”,
eh di wag kang maging tamad diyan. Di kasi magandang makita mo siya na may
kasamang iba. Malaman laman ko nalang, dumagdag ka na sa daan-daang mga bulkan
sa Pinas =)). Gusto ko lang sabihin sainyo na kung kaya mo naman sabihin
sakanya yung totoo, go for it. Pero pag hindi pa, okay lang yan. Time is the
key for almost everything in life J Love you guys >:D< Keep safe.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento