Ang pagpaparinig sa henerasyon ngayon ay napaka intense na.
Ito’y lubhang nagdudulot ng pagkasira ng isang relasyon bilang kabiyak o minsan
kaibigan. Pero kasi kahit lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na wag nang
patulan and stuff, hindi ko na kaya at kailangan ko na talaga tong gawin. Alam
ko kilala niyo ko bilang tahimik pag dating sa away at mabilis na magpatawad
pag magsosorry na. Pero tulad ng isang NORMAL na tao, napupuno narin ako. Ang
Twitter at Facebook ay isang instrumento ngayon na kung saan pwede ka nang
makipag connect ka na sa ibang tao. Ngunit, ito’y nagdudulot rin ng isang tanga
at malubhang gawain na kung tawagin ay “pagpaparinig” Pero dahil pinili ko
nalang maging tanga kesa hindi malaman ng ibang tao diyan, mas ginusto kong
magsabi ng sarili kong opinion. Naiinis lang kasi ako. Naiintindihan ko ang
tunay na ibig sabihin ng OPINYON. Sabi nga sa movie na “First Daughter”, Free
will ang magbigay ng isang opinyon. Pero kasi pag magbibigay ka na nang statement
na akala mo kilala mo na ng husto ang isang tao. Ay, well, Gago ka ba? Bilang isang indie
na blogger, alam ko sa sarili ko na may karapatan akong mag speak up. Alam ko
na nararamdaman niyo ang nararamdaman ko ngayon. Masakit sa kalooban ko ngayon
na makita ang kapwa kong kabataan na kung magsalita ay parang alam niya na ang
buo at totoong kwento. Yung tipong kilala niya na ng husto ang isang tao. Yung
kung baga parang nagjujudge ka na agad na malandi ang isang tao. Minsan may iba
pa diyan sinasabing isang cheater ang isang tao. Minsan yung iba sasabihin na
masama daw siya. Nakaranas na kayo nun di ba? Sa panahon ngayon ang pagbitaw ng
mga salitang tulad niyan ay “normal” nalang. Ewan ko na ba. I DON’T WANT TO
LIVE IN THIS WORLD ANYMORE. Nagkakasiraan na kasi ee. Nagkakagulo na.
Nagkakagaguhan na. Ayoko nang habain pa ang pag rant ko dito tungkol sa mga
taong kung umasta parang si Einstein. Gusto ko lang i-point out na, you have to know
the person for quite a long time before you push through the limit of telling
him or her on how stupid he or she is. May iba diyan magbibigay ng masamang
feedback. Ayos lang sakin yun. Di niyo naman ako ganun ka kilala. Alam ko sa
sarili ko na isa ako sa mga naging mabait na indibidual na ginawa ng Diyos. CHOS!
=)) At nagpapasalamat ako dun. Kaya sa mga taong magsasabi na gago or ang sama
ko masyado sa naging post ko, Di nalang ako magbibigay ng feedback. Ayokong
pumatol sa isang tao kasi magugustuhin ko pang manahimik nalang dito at gumawa
ng mabuti. Naniniwala kasi ako na pag pumatol ang isang tao, bumababa ang
dignidad niya at lalaki pa yung issue. Ang pagiging tahimik ay hindi
nagpapakita na talo ka sa isang away kundi nagpapakita ito ng kung gano ka ka-open
minded sa isang sitwasyon. KUDOS GUYS.
Natuto lang kasi ako na maging totoo sa sarili ko. Kaya wag
kayong selfish. Marami pa kayong dapat matutunan sa mundong to.Aminado ako na may pagkukulang ako pero atleast ako inaaral ko muna, at kinukuha ko siya bilang isang lesson para hindi na maulit ang naging katanghang ng isang tao. Kaya wag kayo
masyadong magmarunong.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento