Kinukuha ko na yung diploma ko. Masaya kong tinatanggap yung
papel na nagpapatunay ng sikap ko sa ilang taon kong pagaaral. Tas biglang, “Ms.
Reyes! Are you physically absent yet mentally present? Saang lupalop ka na ng
daigdig? Explain the procedure to get the Normality” -_____- lecheng yan. Ganyan na ba ko kadesperada
para makatapos ng highschool? Pero hindi yan yung point ko sa article na to.
Kundi yung tungkol sa pag de-daydream. Sabi daw ng mga experto, maganda daw ang
magday dream dahil ineenhance mo raw yung creative side ng brain mo. Pero kasi, yang day dream na yan, minsang
nagiging patibong sa buhay =)). Katulad nung una kong nakwento, magdudulot to
ng isang kahihiyan sa buong klase dahil bibigyan ka ng isang homily ng isang
mabait na teacher. Pangalawa, magsisimula ka nang umasa sa lahat ng bagay.
Pangatlo, magbibigay to ng pahamak sa buhay mo kasi baka tumama ka sa pader at
di ka na magising ulit -___- Pero ang pag daydream rin ay may magandang dulot.
1) Magsstrive
ka para makuha yun.
2) May mataas
na chance na sumipag ka para lang dun.
3) Minsan sa
iba, mas maganda pa ang nakuha nila kesa dun sa hinahangad nila.
Bihira lang ako mag daydream. At kung magdeday dream man ako,
isa lang yung iniisip ko….. IKAW :”> :”> Yieee! Landi. Pucha -___- =))
Haha. Ang pag daydream kasi ay hindi lagi tungkol sa buhay pag-ibig pero pwede
na rin sa pagpaplano ng mangyayare sa darating na panahon. Sabi nga ng iba,
libre lang mangarap. Kaya gora lang ;) Chill lang pag magdedaydream, Hindi kasi
lahat ng iniisip mo pwedeng mangyare J Pero kung persistent
ka talagang makuha yun, kailangan mo gumawa ng paraan. Sa mga taong malapit na
makuha ang kanilang mga dineday dream sa buhay. Hands down ako sainyo J Love you guys <3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento