Lunes, Abril 2, 2012

May silbi ka ba?


Higa sa kama; Text diyan; Twitter, Facebook, 9gag, Pinterest, Youtube, Yahoo sa laptop; laro sa iPad,; tulog; kain; ligo; Yan ang typical na araw ko sa bahay. Kaya minsan bigla akong napaisip.. May silbi kaya ako? Duh! Syempre…. WALA =)). Pero kung seryoso mo kong tatanungin, Wala ba talaga? Pabigat ba ko ngayon summer kela Papa? Naisip niyo rin ba yun? Summer na ee. Wala nang pasok, wala na ring pera. So mapipilitan ka talagang humingi sa mga magulang mo ng pera pag aalis ka. Kaya iba satin ngayon, sa bahay nalang nakatambay. Di na umaalis para di hassle humingi ng pera at para wala nang sermon.  Kaya para sa mga iba diyan, naghahanap ng summer job para naman may panglakwatsa. Pero ganun nalang ba tayo ngayon? Magiisip tayo ng business o maghahanap ng trabaho para lang masabing may pera tayo sa summer? Di ba pwedeng excuse yung “Nagstart up ako ng mini business ngayong summer kasi wala akong magawa sa buhay” Yung tipong maffeel mo na may silbi ka kasi di ka lang nagrerender ng service sa ibang tao pero may maayos at maganda kang ginagawa sa buhay. =)) Gets niyo ba yun? Sige, wag nating gawing example ang magstart ng business. Gawin nating halimbawa tong ginagawa naming ni Berns (http://bernadettebarrion.blogspot.com/ Check out her blog too. She’s so awesome)  Nagpopost kami ng mga articles na siguradong makakarelate kayo at magbibigay saya pag wala kayong magawa sa buhay. Atleast alam namen na nagpapasaya kami ng tao. Pero kasi, iba pa rin eh…
. Lahat kasi tayo nakakaranas ng mga sumusunod na sermon:
*Bakit parang may bagyong dumaan sa kwarto mo? Maglipit ka nga.
*Ba’t nakahiga ka lang diyan? Tataba ka niyan.
*Alagaan mo muna kapatid mo.
*Maghugas ka naman ng pinggan.
Pag ginawa mo ba yun, masasabi na ba agad na may silbi ka na sa bahay? Technically, Oo. Kahit anong gawin natin, yun talaga yung totoo.Eh dahil alam kong hindi lang ako yung nagiisang tamad na indibidual na nabubuhay sa mundong ito, syempre di ko nagagawa yun. Sa mga magiging 4th year na, hassle na kasi magsisimula ka na dapat magreview para sa mga entrance test. Yung tipong hassle kasi nakalimutan mo na yung mga lessons. Jusko, Math atsaka Science? Ewan ko nalang. Pero masasabi ko bang may silbi ako? Syempre kaya ako magaaral kasi gusto ko makapasok sa isang magandang university. Eh ang ginagamit kong pera pang aral yung pera ng mga magulang ko. So, ang pagaaral ko ba nagsasabi na may silbi ako? Kayo? Ano sa tingin niyo? Comment below. J

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento