Martes, Abril 3, 2012

Para po!


Please don't mind the numbers =)) Glitches -___-

Cubao! Cubao! Dalawa nalang, aalis na to! Isa pa sa kaliwa! Kasya pa yan, kasya pa! Minsan nakakainis nang sumakay ng jeep kasi sobrang ingay tas ang sikip pa. Pero sa jeep kasi, minsan makikita mo yung iba’t ibang klase ng mga tao na nabubuhay sa bansang ito =)).

 Mga halimbawa:

1)    Ang mga halatang tahimik sa bahay- Ito yung mga taong tahimik sa bahay pero paglumabas na ng bahay, Hala! Sigaw ng sigaw. Yung akala mo dun sa States pa yung kausap -___-. Lalo na pag sa jeep, yan yung dalawa lang sila pero alam na ng lahat ng tao sa jeep yung pinaguusapan nila. Ano to? Group sharing? =))

2)    Ang mga nagtatrabaho sa gabi- Ito yung mga taong tulog pag nasa jeep. Minsan sa mabigat pang pagkakataon, lumagpas na sila sa dapat nilang bababaan.

3)    Ang mga sobra at ubod nang bait- Ito yung mga taong ayaw ipaabot yung bayad kay Sir Driver -____- Sila pa minsan yung nagagalit. Eh kung kukunin mo naman yung bayad ko eh di wala nang problema -___ -

7)    Ang mga masisipag na studyante- Self explanatory na to. Pero kung di niyo pa rin maintindihan dahil tinatamad kayong intindihin to… Ito yung mga studyantend hardworking =)) na may dala pang libro. Ang mga taong ito ay may “stress-effect” pa. Yung sobrang pagod yung itsura at medyo magulo na ang buhok.

8)    Ang mga nagreready na para sa bagyo- Ito yung mga klase ng tao na maraming dala. Minsan pagkain, damit, electronics, kahoy, at kung ano ano pa. Minsan hassle para sa iba para umakyat at bumaba ng jeep kasi may malaking harang. Pero fix pa rin. Para sa pamilya naman nila yun ee J

9)    Ang mga businessman- Ito yung mga taong mukhang karesperespeto. Yung naka longsleeves with matching slacks. Minsan para sa iba, nahihiya pang dikitan kasi nagmumukha silang mga mahirap =)))

10)  Barkada promo- Ito yung mga magkakabarkada na halos masakop na nila yung buong jeep. Parang excursion lang o kaya fieldtrip =)).

11)  The lactating moms- Ito yung mga soon-to-be-moms na sumasakay pa ng jeep. Minsan nakakatakot na rin sila maging katabi kasi baka mabangga yung tiyan nila o kaya baka biglang manganak sa sobrang sikip ng jeep =))

12) The Hipster wanna-be- In short, ang mga Jeje. Atleast, mas magandang pakinggan at mas may poiseJ So yun. Sila nay un. Masama manglait.

13)  Silent cash- Ito yung mga taong, ang jologs pumorma PERO kung makikita mo ang cellphone, naka iPhone O___O #neverjudgeabookbyitscover

14)  Soon-to-be-in-prison- Ito yung mga taong, ready na ready nang magtutok ng kutsilyo sa tagiliran mo =)) Sila yung mga never endangered =)) Hindi sila mawawala =)))

15)  Mala-Peeta, Cato, at Katniss ang peg- Ito yung mga taong :”> :”> :”> Gwapo at magaganda =)) Yung tipong magaayos ka ng itsura mo para lang mapansin ka. Minsan pa nga iniisip mo nab aka kunin number mo ee =)) Aminin!

Iba iba ang makikita mong type ng tao sa Pilipinas. Minsan nga masaya pa nga silang obserbahan. Ang jeep kasi para sakin, parang nagpapakita lang to na napakabilis nating mag adjust sa kahit anong lugar. At bakit ko naman nasabi yun? DUH! Kasi naman halos mga 10 minutes kang nakaupo sa jeep at lahat ng nasa loob, di mo kilala. Plus, iba iba pa yung mga klase nila =)). Cool lang kasi isipin. Kaya nga sabi nila, It’s more fun in the Philippines J Mahalin natin ang Jeep ^J^ Amen!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento