#ThatAwkwardMoment
#1Dblahblah
#JustinBIsSo…
Twitter. Yan na lang ba ang iniikutan na mundo natin ngayon?
Ito na ba yung tangi nating dahilan para gumising sa umaga? Ewan ko lang kung
pano tayo naimpluwensyahan masyado sa Social Networking Site na to. Pag pupunta
sa isang lugar, kailangan i-tweet. Pag kakain na, kailangan i-tweet. Pag may
sakit ka, i-ttweet pa, eh dapat sa mga oras na yun nagpapahinga ka. As time
goes by, nabawasan na ang pagbukas ko ng Twitter at Facebook. Ni-iPad di ko
narin binubuksan masyado, mas lalo na ang cellphone ko. Di na ko nagpapaload
kasi wala akong ganang makipagusap kung kanikanino. Aaminin ko na minsan
nagtatago ako sa iba kasi sadyang gusto ko lang mapag-isa. Buong summer halos
nasa bahay lang ako at namomroblema para sa mga entrance exams na yan at mga
plano para sa susunod na pasukan. Naiinis ako kasi di mawalawala sa isip ko
yang mga yan. Di ko na-eenjoy tong summer na to kasi ayun nga, puro pressure sa
tao kasi SENIOR na. Kaya sa sobrang pressure na pumapasok sa buhay ko, iniisip
ko na sadyang ganto nalang ba tayo? Magbubukas ng computer para magtweet nalang
tungkol sa mga bagay bagay na nangyayare satin? Di ba pwedeng magmunimuni muna
at i-appreciate lahat ng mga bagay which is not related to electronics or
gadgets. Sa ngayon kasi, nakakasawa na tong Facebook at Twitter, halos parepareho nalang kasi nasa loob -___- :-< Para sakin, mas gusto kong maglock sa kwarto tas tumingin tingin sa
labas, mas nakakarelax kasi ee, wala pang gastos. Pasensya na sa maraming taong
nagaalok sakin umalis, sadyang binibigyan ko lang ng oras ang sarili ko. Ngayon summer napaisip ako na, ang sampung
buwan na binibigay ko ay para sa school, peers, teachers, at syempre ang walang
sawang mga projects at performance tasks. Inisip ko na minsan hindi ko na
nabibigyan ng halaga ang aking sarili. Mag-ool sa isang site, andun parin yung
attachment sa work. Ang summer ay mas magandang sayangin ng walang masyadong
gadgets. Yung kung baga total relaxation na attach ka na sa nature. Sa mga
mababaw na tulad ko, masaya na kami sa ganto; yung pagpapahinga talaga. Isipin
niyo ha. SAMPUNG BUWAN…. Sampung buwan kang gumigising ng maaga, sesermonan ng
teacher, magpapanic sa groupworks, uuwi ng 4:10, gagawa ng homeworks sa bahay
na minsang umaabot ng 1 ng madaling araw. Ewan ko lang, Bro ha. Ewan ko lang
kung sinong hindi makukunsume sa sampung buwan na yun =)) with the fact na
dalawang buwan ka lang magpapahinga.
Basta guys, gusto ko lang na maging masaya kayo this summer. Lubusin
niyo na lahat. Do what you want and want what you do. Love you guys J
P.s
Friends, alam kong naging invisible ako nung mga times na
kailangan magsamasama tayo. Sadyang, gusto ko lang talagang lubusin this summerJ. Kasi sobrang naging stressful
nung Junior year natin. Promise I’ll catch up sainyo this May.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento